Cauayan City, Isabela- Mahigit 7,000 senior citizen sa Santiago City ang tumanggap ng kanilang social pension na halagang P3,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kabila ng krisis dahil sa pandemya.
Ayon sa pahayag ni Mayor Joseph Tan, mahalaga ang kontribusyon ng mga senior citizen partikular ang mga tinatawag na ‘nonagenarians’ sa paglago ng ekonomiya at progreso ng siyudad noong kalakasan pa ng mga ito.
Sa kabila nito, limang senior citizen ang may edad 95-99 ang nakatanggap ng P100,000 mula sa Local Government Unit ng Santiago.
Dagdag pa ng alkalde, kinakailangan lang aniya na matanggap ang nasabing halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan gaya ng maintenance, vitamins at iba pa.
Sa kabuaan, tinatayang nasa mahigit P24 million ang naipamahagi sa mga senior citizen sa lungsod para sa kanilang pension at kabilang sa mga nonagenarians.
Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ang libreng pneumonia and flu vaccines, theraphy session at libreng panonood ng sine sakaling bumaik na sa normal ang sitwasyon laban sa COVID-19.