70,000 na mga preso sa Iran, pansamantalang pinalaya dahil sa COVID-19

Umaabot sa 70,000 mga preso ang pansamantalang pinalaya ng Iran dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso at pagkamatay dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Iran Judiciary, mas mapagtutuunan din ng pansin ng mga awtoridad ang pagsugpo sa nasabing virus.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang mga otoridad kung hanggang kailan ang kalayaan ng mga preso at kung kailan babalik sa kulungan ang mga ito.


Sa pinakahuling tala, pumalo na sa mahigit 7,000 ang kaso ng COVID-19 sa iran kung saan dalawang daan at tatlumpu’t pito na ng nasawi.

Facebook Comments