Nakatanggap ng papuri ang 70,000 na mga sundalong idineploy nitong nakalipas na halalan para tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa pagtiyak ng maayos at payapang eleksyon.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino, binibigyang pugay niya ang kaniyang mga tauhang nagsilbi sa nakalipas na halalan para lang matiyak ang peaceful at credible local at national elections.
Aniya, ang AFP ay deputized agency ng Commission on Elections (COMELEC) para tumulong sa pagprotekta sa balota.
Sinabi ni Centino, matagumpay na na-monitor ng mga sundalo ang security situation sa buong bansa lalo na sa mga lugar na idineklara ng COMELEC na election areas of concern.
Iba’t ibang military assets aniya ng AFP ang ginamit para tumulong sa pag-transport ng mga kakailanganin sa nakalipas na May 9 elections.
Nakatulong aniya ang presensya ng tropa ng gobyerno kaya napigilan ang pagtatangkang panggugulo ng mga armadong grupo.
Samantala, aabot naman sa 33,000 mga sundalo ang nakiisa sa Local Absentee Voting nitong April 27 hanggang 29.