Tumaas pa ang bilang ng residente sa La Union na na-irehistro sa ilalim ng Philippine Identification System o PHILSys matapos makapagtala ng 704,445 ngayong Disyembre 2024.
Ayon sa La Union Provincial Statistics Office, nanguna ang San Fernando City na nakapagtala ng 123,799 ; Bauang na may 61,075 ; at Agoo na may 56,700.
Hinihikayat ng tanggapan ang mga magulang na iparehistro ang mga bata edad 0-4 upang magkaroon na ng identification card sa murang edad sa ilalim ng Rehistro Bulilit.
Patuloy na pinai-igting ng tanggapan ang pagsasagawa ng mobile, institutional at school-based registration upang mailapit sa mga residente ang PhilSys. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments