70M fully vaccinated target ng pamahalaan bago matapos ang Marso

Hinahabol ng pamahalaan na mabakunahan ang kabuuang 70M mga Pilipino na fully vaccinated bago matapos ang buwan ng Marso.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Ted Herbosa, ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na ito ang pangunahing dahilan kung kaya’t nagkasa ng ikatlong round ng “Bayanihan, Bakunahan” ngayong araw hanggang bukas.

Ayon kay Dr. Herbosa, 5M hanggang 6M mga Pinoy ang target na mabakunahan ngayong part 3 ng National Vaccination Days partikular na ang mga senior citizens na mayruon paring vaccine hesitancy.


Ani Herbosa, ikakasa ang malawakang bakunahan sa 12,000 vaccination sites sa buong bansa.

Paliwanag pa ni Herbosa, hindi malabong ma-extend o mapalawig ang National Vaccination Days tulad ng mga naunang malawakang bakunahan basta’t mayroon pang sapat na supply ang mga LGUs.

Base sa pinaka huling datos, nasa 59.8M mga Pilipino na ang fully vaccinated.

Facebook Comments