Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 71.6 million mga Pilipino ang fully vaccinated.
9.7 million naman na adolescents ang fully vaccinated na kabilang na rito ang 4 million na mga bata.
Kinumpirma rin ng DOH na 6.8 million na senior citizens ang nabakunahan na kontra COVID-19.
1.2 million naman na mamamayan sa bansa ang nakatanggap na ng ikalawang booster shot.
16 million na indibidwal naman ang bahagi na ng PinasLakas o ang mas pinalakas na pagbabakuna.
Muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na magpaturok na ng booster dose lalo na’t maraming mga bakuna na ang na-e-expire.
Facebook Comments