849 na aftershocks, naitala ng PHIVOLCS na may kaugnayan sa magnitude 7.0 na lindol sa Abra

93

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 849 na aftershocks matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra.

Sa abiso ng PHIVOLCS, hanggang kaninang ala-1:00 ng hapon, umabot sa 849 ang aftershocks ang naitala na may lakas na magnitude 1.5 hanggang 5.0.

Sa nasabing bilang, 188 ang naka-plot o matatagpuan malapit sa epicenter ng mainshock sa Abra habang 24 dito ang naramdaman.


Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling mapagbantay dahil ang mga aftershock ay maaaring maganap sa mga susunod pang mga araw.

Facebook Comments