71-anyos na Pinay, inatake at pinagnakawan sa California

Isang 71-anyos na Pinay ang inatake at pinagnakawan sa California, USA.

Kalalabas lang ng biktima sa isang fast food nang biglang hablutin ng suspek ang kanyang bag.

Pinalo din siya nito ng matigas na bagay sa ulo saka tumakas sakay ng kotse.


Dinala naman sa ospital ang biktima at kasalukuyang inoobserbahan matapos makaranas ng pagdurugo sa utak.

Hawak na ng mga pulis ang security footage sa pinangyarihan ng pag-atake pero tumanggi muna silang magbigay ng detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments