
Cauayan City – Nakatanggap ng P5,000 educational assistance ang 71 dating rebelde mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Pinangunahan ito ng Provincial Social Welfare and Development Office bilang suporta sa edukasyon ng kanilang mga anak, kasabay ng isang Personality Development Activity.
Ayon sa PSWDO, bahagi ito ng programa ng administrasyon ni Governor Manuel Mamba sa ilalim ng Cagayan Development Agenda (CaganDA) upang mapabuti ang buhay ng FR at mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.
Bukod sa educational assistance, may livelihood at employment programs din para sa FR, kung saan 16 na ang nabigyan ng trabaho sa mga ospital at sa Kapitolyo ng Cagayan.
Katuwang sa aktibidad ang 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, habang nagbigay ng mental health lecture si Noemi C. Cabaddu ng Saint Paul University Philippines.