71-million pesos na buwis, hinahabol ng BIR sa limang kumpanya mula sa Metro Manila

Kabuuang 71-million pesos na buwis ang hinahabol ng BIR mula sa limang kumpanya na naka-base sa Pasig, Quezon City at Marikina.

 

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamong tax evasion ng BIR sa DOJ ang Lucky Builders Center Corp., Global Trendtech Trading Corporation, RAR Builders Inc., Concreteworks Inc. at AMA autotechnic Corp .

 

29-million na buwis ang hinahabol ng BIR sa Lucky Builders, 20-million naman sa Global Trendtech, 10-million sa RAR Builders, 6.6-million sa Concreteworks at 5.3-million sa AMA autotechnic.


 

Nilinaw naman ng BIR na may isang taon ang naturang mga kumpanya para makipag-settle sa kanila at mapapababa ang babayarang buwis.

Facebook Comments