71% ng mga fully vaccinated sa bansa, wala pang booster shots

71 % o 23.83 milyong mga fully vaccinated sa bansa laban sa COVID-19 ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang booster doses.

Ayon sa Department of Health (DOH), 33,542,115 na ang mga kuwalipikadong tumanggap booster shot.

Pero sa naturang bilang, 9,709,375 pa lamang ang nagpaturok ng booster doses o katumbas ng 28.95 percent.


Nanindigan ang DOH na ang booster doses ay epektibo para maiwasang ma-ospital at tamaan ng malalang kundisyon ng COVID-19.

Tiniyak pa ng DOH na lahat ng bakuna na nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ay ligtas.

Facebook Comments