Ipinagkaloob ang tulong sa 71 na mga pamilya sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Helen Donato.
Sa isang panayam kay Rosario Mandac, Social Welfare Officer IV ng nasabing ahensya, ibinahagi nito na binigyan nila ng mga pagkain at mga gamit ang mga pamilyang lumikas dahil sa nangyaring labanan sa naturang bayan.
Matinding trauma at takot aniya ang idinulot ng engkwentro lalo na sa mga katutubong Agta at maging ng mga Ifugao tribe.
Takot din umanong bumalik ang mga ito sa kanilang lugar dahil sa pangambang baka maulit ang naturang insidente.
Samantala, puspusan naman ang pakikipag-usap ng PSWDO sa mga dating rebelde sa bayan naman ng Baggao para na rin sa pagproseso ng kanilang mga dokumento para sa mga tulong na ipamamahagi ng National Government at maging ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.