71, sugatan sa mga kilos protesta para pababain sa pwesto si Venezuela President Nicolas Maduro

Umakyat na sa 71 ang sugatan sa sumiklab na kilos protesta sa Venezuela.

Karamihan sa mga nasugatan ay tinamaan ng rubber bullets, gunshot, hand injury at nahirapang huminga.

Kaliwat kanan ang kilos protesta at mga kaguluhan ngayon sa mga pangunahing lansangan upang patalsikin sa pwesto si Venezuelan President Nicolas Maduro.


Nag-ugat ang kilos protesta kasunod ng panawagan ni opposition Leader Juan Guaido sa kanilang mamamayan na lumabas sa lansangan at ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa kanilang pangulo.

Facebook Comments