MPD nakaalerto na sa mga gagawing kilos protesta ng mga ibat ibang Militanteng grupo kaugnay sa Labor Day

Tiniyak ni MPD District Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr.na maximum tolerance pa rin ang ipatutupad ng MPD sa gagawing kaliwat kanang kilos protesta ng mga Militanteng Manggagawa kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day ngayon araw.

Ayon kay Danao mahigpit ang kanyang tagubilin sa kanyang mga tauhan na maging mahinahon at kinakailangang magtimpi sa kanilang mga sarili dahil inaasahan nang maiinit ang mga magsasagawa ng rally sa Mendiola.

Paliwanag ng heneral papayagan naman nila na magsagawa ng malayang pagpapahayag ng kanilang mga saloobin ang mga Militanteng grupo  basta’t huwag lamang  lumabag sa batas dahil ipatutupad nila ang kanilang mandato aarestuhin ang lahat na manggugulo sa rally.


Tinitiyak naman ni Danao na hindi manggagaling sa kanilang hanay ang kaguluhan dahil mahigpit niyang kautusan na ipatupad ang maximum tolerance.

Facebook Comments