72-anyos na lolo, patay matapos masobrahan umano ng ininom na sex drive medication

33

Naga City – Patay ang isang matandang lalaki na pinaniniwalaang nasobrahan umano sa ininom na sex drive medication bago nakipagtalik nang matagpuan ito sa loob ng isang lodging house sa Naga City.

Posibleng hindi kinaya ng pagkalalaki ng biktimang Si Rowel San Antonio, 72-anyos, matapos uminom ng nasabing gamot bago nakipagtalik sa isang hindi pa nakikilalang babae.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), walang nakikitang foul play sa pangyayari ngunit nakatakda pa ring isailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima upang matukoy kung ano ang totoong sanhi ng pagkamatay nito.

Nabatid na mayroong kasamang babae na tinatayang 40-anyos ang edad ang naturang matanda nang pumasok sa lodging house subalit matapos lang ang kalahating oras ay lumabas na ang babae sa establisimiento at hindi na kasama ang biktima.

Facebook Comments