Cauayan City, Isabela- Tampok ang Matagoan Run sa pagdiriwang ngayon ng ika-72 Founding Anniversary at 21st Matagoan Festival ng Local Government Unit ng Tabuk City na may temang “One Family, One People, One City,”
Ang ‘Matagoan’ Run ay isang uri ng fun run habang nakasuot ng “bahag” kung saan kilala ang mga taga-Cordillera sa pagsusuot nito.
Maraming bilang ng mga kabataan ang nakiisa sa pagkatakbo kung saan bahagi ito ng taunang pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Darwin Estrañero ang pagsisimula ng kapistahan kasama ang ilang opisyal ng LGU.
Bida rin sa pagdiriwang ang Coffee Festival, na isa sa mga sikat na produkto ngayon ng Tabuk City.
Maliban pa dito, bida rin ang ilang cultural performance gaya ng binungor dance, sissiwit dance, tuppaya dance, tadok dance.
Highlight rin sa event ang Indigenous Musical Concert na nilahukan ng mga nagwagi sa katatapos na Tourism Music and Arts Festival Competition
Facebook Comments