Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng karagdagang pitumpu’t tatlong (73) kumpirmadong kaso ng Delta variant ang buong Region 2.
Ito ay matapos lumabas sa ginawang Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH)
Batay sa datos, nakapagtala ng 26 na kaso ang lalawigan ng Isabela kung saan lima (5) ay mula sa bayan ng Sto. Tomas, Alicia (4), Santiago City (4), Ilagan City (3), Ramon (2) at tig-isa sa mga bayan ng Angadanan, Cabatuan, Echague, Jones, Quezon, San Agustin, San Isidro at San Manuel.
Habang ang probinsya ng Cagayan ay may kabuuang 22 kasong naitala na kinabibilangan ng Tuguegarao City (7), Alcala (3), Aparri (2), Lal-lo (2), Santo Niño (2), Solana (2) at tig-isa sa mga bayan ng Baggao, Iguig, Peñablanca at Gonzaga.
Muli ring nakapagtala ng 13 kaso ang lalawigan ng Nueva Vizcaya kabilang ang Bayombong (2) at tig-isa sa mga bayan ng Ambaguio, Aritao, Bagabag, Bambang, Diadi, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Quezon, Santa Fe at Villaverde.
Sa probinsya naman ng Quirino, may pitong kaso mula sa Diffun (3), Aglipay (2), at Maddela (2) habang nakapagtala na rin ng unang kaso ang lalawigan ng Batanes kung saan nakapagtala ng limang kaso (5) kaso na kinabibilangan ng (3) sa Basco at (2) sa Mahatao.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa mga apektadong Rural Health Units at Local Government Units sa pamamagitan ng Special Action Team (SAT) sa pagsasagawa ng mga kaukulang aksyon katulad ng case investigation at contact tracing activities at magpapatuloy sa pagbibigay-impormasyon ang Kagawaran tungkol sa mga kaso.