73RD BIRTHDAY | Ilang personalidad kabilang si Chinese President Xi Jinping, nagpaabot na rin ng pagbati kay P-Duterte

99

Manila, Philippines – Nagpaabot na rin ng pagbati ang ilang personalidad at opisyal sa kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang bumati si Megastar Sharon Cuneta na kantahan ng happy birthday ang Pangulo noong magsalo ang dalawa sa Malacañang noong nakaraang linggo.

Kinantahan pa ni Ms. Shawie ang Pangulo ng OPM ballad na ‘ikaw’.

Sa mensahe naman ni Chinese President Xi Jinping, nagpasalamat siya sa Pangulo dahil lalo pang gumanda ang ugnayan ng China sa Pilipinas sa ilalim ng Duterte Administration.

Nangako pa si Xi na makikipagtulungan siya kay Duterte ng husto para sa ikabubuti ng China at ng Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa estilo ng pamumuno ng Pangulo.

Ani Andanar, si Pangulong Rodrigo Duterte ang tinitingala ng masa.

Facebook Comments