LINAWIN | National Privacy Commission, pinalilinaw sa Grab at Uber ang pinasok nilang kasunduan

20

Manila, Philippines – Nais ng National Privacy Commission (NPC) na mabigyang linaw ang kasunduan ng mga transport network companies na Grab at Uber.

Katulad na lamang ng personal record sharing ng mga driver at rider nito.

Ayon kay NPC Complaints and Investigation Chief Francis Acero, hindi maaring ibigay ng Uber ang datos nito sa Grab kahit pa nagsanib na ang mga ito.

Sa ilalim kasi ng data privacy law, maari lamang ipamahagi ang personal record nito kung may pahintulot ito ng indibidwal.

Nakatakdang magtapos ang paglipat ng Uber operations sa Grab sa April 8.

Ang lahat ng booking request ay dapat gawin sa Grab app simula April 9.

Facebook Comments