73rd Commemoration ng Battle of Surigao Strait nakatakdang isagawa sa Oktubre 25

73rd Commemoration ng Battle of Surigao Strait nakatakdang isagawa sa Oktubre 25 Ibayong preparasyon ang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Surigao City para sa nalalapit na ika-73 na Commemoration sa Battle of Surigao Strait sa nalalapit na Oktubre 25. Ayon kay Roselin Merlin, ang Supervising Tourism Officer, isa sa highlight sa naturang okasyon ang isasagawang Groundbreaking Ceremony sa itatayong War Memorial Shrine sa Brgy. Punta Bilar dito sa lunsod. May plano ring Monument ang itatayo sa susunod na taon bilang pagkilala sa mga naging bayani sa pinakamalaking Naval Battle noong World War II. Inimbitahan na ang mga opisyal ng US, Australian at Japanese Embassy para dumalo sa okasyon. Ang iba pang side events kinabibilangan ng isang Duathlon at Bike For Peace.

Facebook Comments