74.42% NG BARANGAY SA ILOCOS NORTE DRUG FREE NA

Drug free na ang aabot sa 382 na barangay sa lalawigan ng Ilocos Norte ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency in the Ilocos Region o PDEA Region 1.
Ayon kay PDEA-1 agent Farlyn Sheen Vinluan aabot sa higit limang daang barangay ang apektado ng droga, at higit tatlong daan dito ay maideklarang drug cleared habang ang mga barangay na aabot sa higit isang daan ay sumasailalim pa sa pagsusumite ng mga kailangang dokumento upang maideklara.
Sa oras na maideklrang drug cleared ang pangalan ng mga nasa drugs list ay awtomatikong aalisin na.

Samantala, bago ito alisin sasailalim muna sa series ng medical tests ang mga ito kasama na ang Physical and Moral Recovery Enhancement, Spiritual Health Education, Psycho-social Counseling, and Drug Education. |ifmnews
Facebook Comments