74 anyos na Ginang, Inaresto ng Pulisya sa Bayan ng Echague

98

*Cauayan City, Isabela*-Arestado ang isang ginang matapos isilboi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Cabugao, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Flordeliza Nague, 74 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, dinakip ang si Nague sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang galang hukom Michelle Gumpal-Videz ng MTC Echague sa kasong Estafa.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng nagkakahalagang P12,000.00.

Nananatili sa pangangalaga ng pulisya ang ginang para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments