PRC, puspusan ang pag-pagkilos sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

123

Simula kahapon ay abala na ang Philippine Red Cross o PRC sa pagbibigay ayuda sa mga lugar na apektado ng pagputok ng bulkang taal.

Ayon kay PRC chairman and CEO Senator Richard Gordon, agad silang nag-mobilize ang team na tumutulong sa paglilikas ng mga residente sa paligid ng bulkan sa batangas.


Nagdeploy din ng 2 hotmeals on wheels amg PRC batangas chapter.

Ang PRC cavite naman ay nagpadala ng mga teams at ambulance sa PRC tagaytay command post.

Bukod pa ito sa ideneploy ng PRC batangas chapter na 5 mga ambulances, isang rescue teuck, isang 6×6 teuck, at limang multi-purpose vehicles.

Pinayuhan ni gordon na tumawag lang sa red cross hotline 143 ang sinumang mangangailangan ng tulong lalo na ang nga apektado sa pag-aalburuto ng bulkang taal.

Facebook Comments
From Advertisers