74 na bagong hire na guro, wala pa ring sweldo mula noong Enero

Kinalampag nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang Kamara at Senado na dumulog na sa korte para sa 2019 budget dahil apektado na dito ang mga bagong hire na mga guro.

 

Ayon sa mga mambabatas, hindi pa rin nasuswelduhan ang mga bagong pasok na public school teachers mula pa nitong Enero dahil nabibinbin ang pag-apruba sa pambansang pondo.

 

Partikular na apektado dito ang mga gurong bagong pasok matapos ang May 31, 2018.


 

Nasa 74 na public school teachers sa Region 7 at Region 13 ang delay hanggang ngayon ang sahod dahil sa kabiguang maipasa ang budget.

 

Katwiran dito ng mga pamunuan ng mga nasabing pampublikong paaralan na hindi naging sapat ang kanilang savings upang ipansweldo sa mga guro.

 

Dahil dito, nakakagawa na ng injustice ang gobyerno sa mga guro na nagtatrabaho at ginagampanan ang mga tungkulin sa kabila na overworked at underpaid ang mga ito.

Facebook Comments