Magtatapos na sa kanilang termino ang nasa 74 na kongresista ngayong huling sesyon ng 17th Congress.
Pangungunahan ni outgoing House Speaker Gloria Arroyo ang graduation ng mga mambabatas na tapos na sa kanilang ikatlong termino sa Kamara.
Isang seremonya ng pagpupugay ang idaraos para sa mga kongresista at bibigyan ang mga ito ng pagkilala sa kanilang naging mga kontribusyon sa paglikha ng mga batas na makatutulong sa taumbayan at sa bansa.
Samantala, aabot sa 9,203 na panukalang batas at 2,685 na resolusyon o 11, 888 na kabuuang mga legislative measures ang naihain sa Kamara sa loob ng 17th Congress.
Sa nasabing bilang, aabot sa 1,380 na legislative measures ang naaprubahan at 383 ang naisabatas o naging Republic Act simula nuong July 25, 2016 hanggang May 29, 2019.
Tinatayang nasa dalawampung measures ang average na napoproseso ng Kamara kada araw sa kabuuang 236 session days.