Umakyat na sa higit 144.2 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.
Sa bilang na ito, 66.7 million dito ay fully vaccinated na laban sa virus.
Katumbas ito ng 74% mula sa target population ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nasa 71.8 million doses o 79.87% naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.
Umakyat na rin sa higit 12.5 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.
Samantala, nasa higit 1.3-M mga batang edad 5-11 taong gulang ang fully vaccinated habang nasa higit 9-M naman sa mga batang edad 12-17 taong gulang.
Ngayong araw, tutungo si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mapataas pa ang vaccination coverage sa rehiyon.
Matatandaan na kagabi ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng BARMM na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna na laban sa COVID-19.