Mga tumatangkilik sa tren, pinayuhan na sumakay muna sa Bus Carousel ngayong Holy Week

60

Pinayuhan ng Metro Rail Transit Line 3 ang mga pasahero na gamitin muna bilang alternatibong transportasyon ang EDSA Bus Carousel.

Sa harap na rin ito ng pagpapatupad ng taunang Holy Week maintenance shutdown ng MRT-3 mula April 13 hanggang 17.

Ang Bus Carousel ay mananatiling bukas at accessible sa ibaba ng pick-up at drop-off points ng mga istasyon ng MRT-3.


Ang daily operating hours ng EDSA Bus Carousel ay mula 4:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.

Ang EDSA Bus Carousel ay dadaan sa anim na istasyon ng MRT-3: North Avenue, Quezon Avenue, Santolan, Ortigas, Guadalupe, at Buendia.

Facebook Comments