74 pamilya na sa Barangay Sta. Lourdes sa Puerto Princesa na positibo sa ‘mercury-test’ -nakatakdang ilikas

Puerto Princesa City, Philippines – Nakatakdang ilikas sa lalong madaling panahon ang nasa 74 na pamilya na nakatira malapit ng pit lake sa Barangay Sta. Lourdes sa siyudad ng Puerto Princesa.

Matapos na madiskubre na mahigit pitongpu sa mga residente sa lugar na isininailim sa ‘mercury-test’ ng DOH ay nag positibo.

Una na rin kinomporma ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), na kontaminado ng mercury ang naturang lawa dahil na rin naging mining site ito dati ng Palawan Quicksilver Mine, Inc. (PQMI) dati.


Ayon kay Ailyn San Luis ng City ENRO, posibleng nakuha umano ng mga pasyente dahil sa kanilang nalanghap na hangin at pagkain na kinukuha mula sa lawa.

Kaugnay niyan, sinabi naman ng alkalde ng lungsod ng Puerto Princesa na si Mayor Luis Marcaid III na bibigyan ng financial assistance ang mga residente na apektado para sa kanilang medication maging sa kanilang livelihood.

Plano ng local na pamahalaan na ilipat ang nasa 74 na pamilya sa Barangay Tagburos kung saan ay ligtas para sa kanilang kondisyon laban sa banta ng mercury.
DZXL558

Facebook Comments