75 Chinese at 3 Pinoy, arestado matapos salakayin ng mga otoridad ang iligal na operasyon ng POGO sa Cagayan

443

Huli ang 75 na mga Chinese at tatlong Pilipino matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Cagayan at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang hotel and resort sa Barangay Rapuli, Santa Ana, Cagayan dahil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Col. Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office na sa pamamagitan ng search warrant napasok nila ang Villa Saturnina Hotel and Resort sa Brgy. Rapuli kung saan umano nag-o-operate ang iligal na operasyon ng OFA Cagayan State Developer Corporation na pagmamay ari ng isang Frank Yu.


Ang search warrant ay inisyu ni Judge Nicanor Pascual ng Aparri Regional Trial Court.

Wala naman sa lugar si Yu nang isagawa ng pagsalakay.

Ang kompanyang OFA Cagayan State Developer Corporation ay isang Real Estate Developer pero sangkot umano sa illegal gambling activity.

Sinabi pa ni Col. Quilang na 103 mga computer sets ang kanilang nakumpiska habang iniimbestigahan na ang mga naaresto.




Facebook Comments