DFA, kinumpirma na may 12 missing na Pinoy sa pagsabog sa Lebanon

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may 12 mga Pilipino sa Lebanon ang nawawala sa nangyaring pagsabog sa Beirut.

Ayon sa DFA, 11 sa mga nawawalang Pinoy ay seafarers na tumalon mula sa barkong MV Orient Queen na nakadaong malapit sa pinangyarihan ng pagsabog, habang ang isa ay household service worker.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Spokesman Undersecretary Eduardo Matin Meñez, nananatili sa 2 ang bilang ng mga Pinoy na namatay habang 8 ang sugatan.


Ligtas at accounted naman ang lahat ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Beirut.

Tiniyak naman ng DFA na maiuuwi ang labi ng 2 Pinoy na namatay sa pagsabog.

Tinatayang nasa 33,000 ang mga Fililpino ngayon sa Lebanon at 75% dito ay nasa Greater Beirut Area

Facebook Comments