75 GURO, INALIS SA LISTAHAN NG COMELEC DAGUPAN BILANG ELECTORAL BOARD SA BSKE 2023, DAHILAN ALAMIN

Patuloy pa rin sa pag-hire ang COMELEC Dagupan ng mga gurong magsisilbi sa paparating na halalan pambarangay sa buwan ng Oktubre.
Sinabi ng COMELEC na nasa pitumpu’t limang guro ang inalis sa listahan bilang Electoral Board dahil ayon sa komisyon nadiskubre nilang ang mga gurong ito ay may tumatakbong kaanak na bilang kandidato sa halalan.
Paliwanag ng COMELEC na ayon sa kanilang direktiba na madidiskwalipika ang mga gurong mapapatunayang may kaanak na tatakbo sa halalan.

Sinabi naman ni Atty. Michael Franks Sarmiento, Election Supervisor ng COMELEC Dagupan na matapos ang isinagawang pagsusumite ng Certificate of Candidacy ng mga kandidato ay sila na rin mismo ang nag-initiate na may kaanak silang tatakbo.
Samantala, mangangailangan ang komisyon ng nasa 1, 161 na guro para magsilbi sa BSKE 2023. |ifmnews
Facebook Comments