MGA MALILIIT NA NEGOSYANTE NA APEKTADO NG KASALUKUYANG KONSTRUKSYON NA ROAD ELEVATION SA DAGUPAN CITY, WALA PA UMANONG PLANO SA PAGLIPAT NG PWESTONG PINAGLALAKUHAN

Wala pa umanong plano ang ilan sa mga negosyanteng may maliit na pwesto sa kahabaan ng apektadong bahagi ng kasalukuyang konstruksyon ng Road Elevation sa Dagupan City sa kung ano o saan ang kanilang malilipatan kung tuluyan nang umpisahan ang naturang proyekto.
Matatandaan na, umpisa na rin ang konstruksyon sa karugtong na phase ng AB Fernandez Ave pagkatapos ng napipintong pagtatapos ng kakalsadahan at Drainage sa unang bahagi nito.
Aminado naman ang ilan sa mga ito na maaapektuhan umano ang kanilang negosyo bagamat wala pang nakahandang plano ang mga ito.

Dagdag pa ng mga ito na umaasa sila sa maaaring maiabot na tulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay dito. |ifmnews
Facebook Comments