75% ng COVID-19 ICU beds sa mga ospital, okupado na – DOH

Okupado na ang 75% ng 4,200 intensive care unit (ICU) beds sa mga ospital bansa para sa mga pasyente ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon (September 5), 75% ito ng kabuuang 1,500 kama sa National Capital Region (NCR).

Maituturing naman itong nasa ‘high risk’ level dahil mahigit na ito sa 70% pero hindi lalagpas sa 85%.


Samantala, umabot na sa 71% ng 15,400 ward beds sa bansa ang nagamit na habang sa NCR ay 73% ng 4,200 ward beds ang nagamit na rin.

Umabot naman sa 57% ng 3,300 mechanical ventilators ang nagamit kung saan 62% ng 1,100 ay nasa NCR.

Facebook Comments