75% ng ICU beds sa Pilipinas, okupado na – DOH

Okupado na ang 75% Intensive Care Unit beds para sa mga COVID-19 patients.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay 75% ng 1, 400 ICU beds sa National Capital Region (NCR).

Ikinokonsidera itong ‘high risk’ dahil mahigit ito sa 70% ngunit mababa sa 85%.


Samantala, nasa moderate risk naman ang COVID-19 ward sa bansa matapos makapagtala ng 69% occupancy rate sa 14, 800 wards beds sa buong bansa.

Nasa 73% occupancy rate naman ang ward beds sa NCR na may kabuuang 4,200 ward beds.

Facebook Comments