75% ng mga LGU sa buong bansa, nakapagpatayo na ng sariling COVID-19 isolation facilities

Nasa 75 porsiyento na ng mga Local Government Units sa buong bansa ang nakapagpatayo ng sariling isolation facilities para sa COVID-19.

Ito ang inanunsyo ni DILG Usec. Epimaco Densing III, kasunod ng utos ng ahensya sa mga LGU na magtayo ng sarili nilang isolation facilities bilang paghahanda sa inaasahang paglobo sa bilang ng mga pasyente.

Ito ay dahil na rin sa isinasagawang mass testing at kakulangan ng espasyo sa mga ospital.


Samantala, bilang suporta sa ginagawang hakbang ng mga LGU, inaprubahan ng Office of the President ang panukalang P30.824-billion funds o ang “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities” na layong palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Tumanggap na rin ang mga LGU ng Extra Internal Revenue Allotment na kapareho ng halaga ng regular na natatanggap nila mula sa Department of Budget and Management.

Facebook Comments