Nagsasagawa ng house-to-house vaccination kontra COVID-19 ang nasa 750 Local Government Units (LGU) sa bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nagpupunta na ang mga LGU sa mga barangay at tinatanggal na rin ang ilang mega vaccination sites dahil halos wala nang pumupunta rito.
Kasunod nito ay inamin ni Galvez na may logistical issues ang pagbabakuna sa bahay-bahay dahil nangangailangan ito ng maraming mobilisasyon.
Mataas din aniya ang tiyansa na masira at masayang ang bakuna sa pagbiyahe ng mga doses o sa mismong inoculation nito.
Samantala, sinabi naman ng opisyal na isinasapinal na ng pamahalaan ang karagdagang guidelines para sa pagpapatupad ng house-to-house vaccination upang maisagawa na rin ito ng lahat ng LGU.
Facebook Comments