750 Pinoy nurses, kailangan ngayon sa Germany – POEA

Nangangailangan ng karagdagang 750 Filipino nurses ang Germany.

Sa ilalim ito ng Triple Win Project ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isang government-to-government Healthcare Employment Cooperation Program sa pagitan ng Germany at Pilipinas.

Sa mga interesadong maging nurse sa Germany, kailangan ay Filipino citizen, permanent resident ng Pilipinas, nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, may active Philippine nursing license at may isang taong related experience sa mga ospital, rehabilitation center at iba pang health care institutions.


Mag-register lang online sa www.poea.gov.ph.

Facebook Comments