75th Gulf Landing at 13th Veterans Day, ginunita sa Pangasinan

Ipinagdiwang sa Pangasinan ang 75th Gulf Landing Anniversary gayundin ang 13th Pangasinan Veterans Day bilang pagkilala sa kabayanihan ng World War 2 Veterans at ng Allied Forces na pinalaya ang bansa mula sa Hapon.

Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na binigyan diin nya na dapat magkaisa ang bansa at ang Diyos na nanguna sa pagbibigay gabay at lakas sa mga lumaban.

Highlight ng naturang event ang wreath laying sa veterans compound sa Provincial Capitol na pingunahan ng Provincial Government at ni Pangasinan Governor Amado Espino III.
Nagpasalamat din si Department of the Interior and Local Government (DILG)


Undersecretary for Peace and Order, Bernardo Florece Jr.,sa mga dumalong veterans dahil sa katapangan na ipaglaban ang kasarinlan ng bansa laban sa mananakop at ang pagkilala umano sa kanila at pagbibigay ng karangalan isang pasasalamat umano sa kanilang kabayanihan.

Siniguro naman ni Gov. Amado Espino na magpapatuloy ang pagpapakilala sa mga susunod pang henerasyon ang kabayanihan ng mga ito.

Sa naturang pagtitipon din ay nagkaroon ng isang programang medical mission at pagbibigay regalo sa mga surviving veterans na dumalo at sa kanilang pamilya.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang pelikula sa Capitol Plaza tampok ang kabayanihan at katapangan ng mga WW-II veterans at ng allied forces.

On Fri, Jan 10, 2020, 9:48 AM ifmdagupan official < ifmdagupan.official@gmail.com> wrote:
> Binuo na ng Pangasinan Police Office ang special investigation task group > na mag-iimbestiga sa pagpatay kay dating PNP Provincial Director retired > General Marlou Chan. > > Una rito lulan ng kaniyang sasakyan si Chan ng pagbabarilin siya ng > dalawang riding in tandem sa Barangay Nalsian Calasiao Pangasinan. > > Matapos ang insidente nagsagawa na umano ng dragnet operation ang PNP at > pagkalap ng mga ebidensya malapit sa pinangyarihan ng insidente. > > Ayon kay Maranan, ang dalawang back ride umano ang bumaril kay Chan na > nagresulta sa pagkakamatay nito. > > Iniimbestigahan na rin ng PNP ang dapat na sana’y kikitain ni Chan sa > isnag restaurant. > > Inihayag ni Maranan, na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ni Chan. > > Si Chan ay nagretire noon lamang March 19, 2019. > > ### >

Facebook Comments