SITG binuo matapos ang pamamaslang sa dating PNP Provincial Director ng Pangasinan

Binuo na ng Pangasinan Police Office ang special investigation task group na mag-iimbestiga sa pagpatay kay dating PNP Provincial Director retired General Marlou Chan.
Una rito lulan ng kaniyang sasakyan si Chan ng pagbabarilin siya ng dalawang riding in tandem sa Barangay Nalsian Calasiao Pangasinan.
Matapos ang insidente nagsagawa na umano ng dragnet operation ang PNP at pagkalap ng mga ebidensya malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Ayon kay Maranan, ang dalawang back ride umano ang bumaril kay Chan na nagresulta sa pagkakamatay nito.
Iniimbestigahan na rin ng PNP ang dapat na sana’y kikitain ni Chan sa isnag restaurant.
Inihayag ni Maranan, na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ni Chan.
Si Chan ay nagretire noon lamang March 19, 2019.
###

Facebook Comments