76 overseas Filipinos, bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 76 na mga Pilipino sa ibayong-dagat ang bagong gumaling sa COVID-19.

147 naman ang bagong kaso habang 16 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 21,090 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng Coronavirus.


7,399 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling habang 12,430 na ang mga gumaling.

1,261 naman ang mga binawian ng buhay.

Facebook Comments