Nasa 76 na quarantine hotels na ang nagsumite ng Letter of Intent sa Department of Tourism para makapag-operate na ulit bilang regular na hotel.
Ito ay upang makapag-accommodate na ulit sila ng mga turista ngayong binuksan na ang borders para sa mga international travelers.
Hanggang nitong Pebrero 7, nasa 37, 348 pa ang occupied rooms sa 418 hotels na nagsisilbing quarantine facilities mula sa kabuuang 55,150 na kwarto.
Kumpiyansa naman si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ligtas ang pagbubukas ng borders lalo na’t halos lahat ng tourism workers ay bakunado na kontra COVID-19.
Facebook Comments