NCR, low risk na ulit sa COVID-19 – OCTA

Nasa low risk na ngayon sa COVID-19 ang National Capital Region.

Ito ang inanunsiyo ng OCTA Research Group matapos na bumaba pa sa 0.25 ang reproduction number o bilis ng hawahan ng virus sa rehiyon.

Kasunod nito, bumaba na rin aniya sa 9.1 percent ang positivity rate at 29.6 percent na lamang ang hospital utilization rate.


Ayon kay Dr. Guido David, nasa 945 na lamang din ang 7 day average sa NCR mula February 3 hanggang 9 mula sa 2,525 mula noong January 27 hanggang February 2.

Facebook Comments