DSWD, nagtatanggal umano ng mga beneficiaries ng SAP

292

Binanatan sa Facebook ni Antipolo City Mayor Andeng Ynarez ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa umano’y mabagal na pag-aksyon sa panawagan ng mga kwalipikado sa ayuda na tinanggal ang pangalan sa listahan.

Sa kaniyang maanghang na patutsada sa DSWD, paulit-ulit na umano siyang sumulat, tumawag sa telepono, virtual o Zoom meetings at personal pang nagpunta sa regional office ng DSWD pero hanggang ngayon ay wala pa rin umanong aksyon ang ahensya.


Umaasa ang opisyal na sa pagkakataong ito ay tutugon na ang ahensya.

Una nang humirit ang Antipolo City Government sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na gawing maximum na tatlong libo kada pamilya ang ayuda pero ito ay sinopla ng ahensya.

Facebook Comments