77-anyos lalaki, nahuling naghahanap ng Pokémon sa kabila ng COVID-19 lockdown

Hindi natinag sa ipinatutupad na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, ang isang senior citizen sa Spain na namataang gumagala para manghuli ng Pokémon.

Pinagmulta ng Madrid police ang 77-anyos na nahuling naglalaro ng mobile game na “Pokémon Go” noong Linggo, Marso 22.

Inilabas ng Madrid police sa Twitter ang ticket ng senior kasabay ang paalala sa publiko na, “Hunting #Pokemon, dinosaurs or any other magical creature is PROHIBITED during the State of Emergency.”


“Don’t make excuses and #StayAtHome #SocialResponsibility #COVID19,” dagdag nila.

Mula nang ipatupad ang lockdown noong Marso 14, nakapagtala na ang Madrid municipal police ng 4,580 paglabag at 30 residenteng naipakulong.

Batay sa TeleMadrid, pinagmumulta ng €600 hanggang €30,000 (P33,000 – P1.6 million) ang mga nahuhuling lumalabag.

Facebook Comments