77 milyong fully vaccinated, target maabot ng pamahalaan sa unang quarter ng 2022

65

Target ng gobyerno ang 77 milyong fully vaccinated na kontra COVID-19 sa unang quarter ng taong 2022.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., sapat na kasi ang supaly ng bakuna sa bansa kahit na maikli na lamang ang interval para sa booster shot.

Habang 90 milyon na fully vaccinated na Pinoy naman para sa ikalawang quarters at ang natitirang populasyon naman sa ikatlong quarter.


Maliban dito, ipaprayoridad na nila ang pagbabakuna sa mga hindi pa nabibigyan ng kahit isang doses sa pamamagitan ng house-to-house at barangay-to-barangay vaccination.

Facebook Comments