77th Infantry Battalion, Dineploy na sa Cagayan

8499

Cauayan City, Isabela- Ipinadala na ng 5th Infantry Division ang 77th Infantry Battalion sa Lallo, Cagayan sa ginanap na send off ceremony kahapon sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Major Noriel Tayaban, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID, magsisilbing Battalion Commander ng 77IB si Lt Col Joeboy D Kindipan na magmamando sa mga masasakupang bayan na kinabibilangan ng Gattaran, Baggao, Abulug, Iguig, Solana, Enrile, Peñablanca at Tuguegarao City.

Ayon pa kay Major Tayaban, ipinadala sa Cagayan ang nasabing yunit na dating CAFGU battalion at muling nire-activate ng 5ID dahil sa lawak ng probinsya at kinakailangang matutukan lalo na sa mga lugar na may banta ng insurhensya.

Malaki naman ang ibinigay na tiwala ni BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID kay Lt Col Kindipan na mapapangasiwaan nito ng mabuti ang batalyon at magagawa ng maayos ang kanilang mga tungkulin.

Hinamon naman ni BGen Mina ang tropa na gawin lamang ang tama at nararapat, magtulungan sa isa’t-isa at maging produktibong sundalo.

Facebook Comments