Mga tricycle sa isla ng Boracay, tuluyan ng i-phase out sa Oktubre

17

Malay, Aklan — Tuluyan ng i-phase out ang mga natitirang tricycle na nag-ooperate pa rin ngayon sa isla Boracay simula Oktubre 1, 2020. Ayon kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista na hanggang sa katapusan na lang ng Setyembre papayagang maka operate ang mga ito at wala ng ibibigay na extension pa. Dahil dito ay magsisimula na rin sa Oktubre ang full implementation ng E-trike Program sa isla. Kung matatandaan na dapat ay noong katapusan pa sana ng Desyembre 2019 ang implementasyon ng E-trike Program pero dahil sa bagyo at sa kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa ngayong taon ay ipinagpaliban muna ito ng bayan ng Malay.

Facebook Comments