Sisimulan ngayong araw ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig sa nakaambang na water rate increase ng Manila Water at Maynilad sa kanilang mga consumers.
Ang pagdinig ay bunsod na rin ng 780% na dagdag-singil sa tubig na ipinataw na multa ng Korte Suprema sa Manila Water dahil sa paglabag nito sa Philippine Clean Water Act.
Pagpapaliwanagin ang mga opisyal ng dalawang water concessionaires gayundin ang iba pang pass-on charges sa publiko para naman sa pagpapagawa ng water sewerage system na hindi naman natutupad.
Sisilipin din ang iba pang redundant collection at ang hiwalay pang dagdag-singil na ibinabatay naman sa foreign exchange recovery adjustment.
Matatandaang nagbanta ang Makabayan na haharangin ang 780% water rate increase dahil ang mga water concessionaires naman ang nakalabag sa batas at hindi ang mga consumers.