788 BAGS NG YELLOW CORN SEEDS, NATANGGAP NG MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG MANGALDAN

Natanggap ng mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan ang 788 bags ng Yellow Corn Seeds na mula sa Department of Agriculture Region 1 sa ilalim ng CPEP o ang Corn Production Enhancement Project na naglalayong mapataas pa ang revenue ng mga corn farmers sa nasabing bayan.
Nasa 4.33 milyong piso ang kabuuang halaga naman ng naipamahaging corn seeds.
Saad ng ilang nakatanggap na mga magsasaka na malaking tulong ang naibigay na corn seeds lalo ngayon na nasa limang libong piso ang kada sako ng binhi ng mais at dahil dalawang sako ang kinakailangan kada ektarya.

Samantala, patuloy ang pagtutok ng local na pamahalaan ng Mangaldan katuwang Municipal Agricultural Office sa sektor ng agrikultura sa bayan gayundin ang pakikipag-ugnayan sa DA upang mapakinabangan ng mga magsasaka ang mga programa nito. |ifmnews
Facebook Comments