KAALAMAN UKOL SA USAPING SEKSWALIDAD, ISINUSULONG SA MGA KABATAAN SA ALAMINOS CITY

Nararapat lamang na magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan sa sensitibong ideya gaya na lamang ng comprehensive sexuality education na siyang maaari nilang magamit sa mga iba’t ibang klase ng sitwasyon sa kanilang buhay lalo na at sila ay humahakbang sa adulthood stage.
Kaya naman nagsagawa ng isang orientation ukol sa Comprehensive Sexuality Education sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City kung sa sumailalim rito ang mga student leaders at mga guro mula sa walong high schools ng naturang lungsod.
Ang oryentasyon na ito ay naglalayong bigyan ang mga mag-aaral ng kaalaman, saloobin, kasanayan, at pagpapahalaga upang makagawa ng angkop at malusog na mga pagpipilian sa kanilang sekswal na buhay.

Ang pagsasagawa nito ay sa pangunguna ng City Population Office na collaboration sa Department of Education nang sa gayon ay magkaroon ng sapat na kaalaman at impormasyon ang mga kabataan pagdating sa usapin ng sekswalidad.
Mga kawani naman mula sa Region I Population Commission ang naging kanilang panauhing tagapagturo. |ifmnews
Facebook Comments